sara Binisita ni Lakas-CMD/HNP vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte visit ang mga biktima ng Bagyong Agaton sa Immaculate Concepcion Hospital sa Baybay, City Leyte. Kasama niya sina (mula kanan) Davao Occidental Gov. Claude Bautista, Lakas-CMD President at House Majority Leader Martin Romualdez atBaybay City Mayor Jose Carlos Cari. Kuha ni VER NOVENO

Mayor Sara bumisita sa mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Leyte

238 Views

BINISITA ni UniTeam vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Leyte.

Pinuntahan ni Duterte ang daan-daang nasalanta na tumutuloy ngayon sa mga evacuation center sa Baybay City at mga bayan ng Mahaplag at Abuyog.

Ang Baybay City ang isa sa lugar na lubhang napinsala ng bagyong Agaton. Mahigit 100 katao rito ang nasawi sa landslide at baha.

Sumama sa paglilibot ni Duterte ang kanyang mga campaign manager na sina House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, ng Lakas-Christian Muslim Democrats at Davao Occidental Gov. Claude Bautista ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Naroon din sina Baybay City Mayor Jose Carlos Cari, Mahaplag Mayor Daisy Lleve, at Abuyog Mayor Lemuel Traya.

Pinuntahan din ni Duterte ang 37 typhoon survivor na naka-confine sa Immaculate Concepcion Hospital sa Baybay City.

Nagpasalamat naman si Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD sa pagdalaw ni Duterte.

“The visit means a lot to us. It uplifts our people’s spirits. They are still grieving over the death of some relatives, friends or neighbors. They are still suffering from the loss of homes and livelihood,” dagdag pa ni Romualdez.

Nanawagan naman sina Duterte, Romualdez, at Bautista sa mga ahensya ng gobyerno na bilisan ang pagpapa-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.