Mayor Sara inihalintulad sa agila: Matapang, may integridad, tapat

182 Views

INIHALINTULAD ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Philippine Eagle si Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Velasco na kay Duterte ang mga katangian ng isang indibidwal na magiging magaling na bise presidente.

“Mayor Inday Sara possesses a clear vision, is courageous, has integrity, honesty, humility, compassion and clear focus. There is no doubt she will be a good vice president,” sabi ni Velasco sa isang pahayag.

Sumali si Velasco sa Luzon leg ng Mahalin Natin ang Pilipinas Ride (MNPR) ni Duterte na isang buwan na maglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa dala ang panawagan ng pagkakaisa.

Si Duterte at ang running mate nitong si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay nananawagan ng pagkakaisa na kailangan umano upang mabilis na makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya.