sra UniTeam vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte: “Stronger municipalities lead to stronger provinces, stronger provinces lead to a stronger Philippines.” Kuha ni VER NOVENO

Mayor Sara nanawagang palakasin mga lokal na pamahalaan

345 Views

BINIGYAN-DIIN ni UniTeam vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang kahalagahan na mapalakas ang mga lokal na pamahalaan na siyang magdadala ng pag-unlad sa bansa.

“Stronger municipalities lead to stronger provinces, stronger provinces lead to a stronger Philippines,” sabi ni Mayor Sara sa kanyang speech sa miting ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Marriott Hotel sa Pasay City kamakalawa.

Ayon kay Mayor Sara dapat tulungan ng gobyerno nasyonal ang mga mahihirap na munisipyo upang magkaroon ito ng sapat na pondo na kanilang magagamit sakaling mayroong dumaang kalamidad nang hindi ginagalaw ang pondo para sa kanilang mga proyekto.

Isinusulong ni Mayor Sara at ng running mate nitong si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang patas na pagpapa-unlad sa mga lokal na pamahalaan para wala umanong maiwanang Pilipino sa pag-unlad.

“Therefore, no municipality should be excluded from continued national government assistance when the need arises. While we all come from different provinces, speak different dialects and come from different political parties, the needs of our people are the same,” dagdag pa ni Mayor Sara.

Kahit na ipinatupad na umano ngayong taon ang Mandanas ruling kung saan tataas ang pondo na makukuha ng mga lokal na pamahalaan mula sa nakokolektang buwis ng national agencies marami pa rin umanong pamahalaang lokal na hindi kakasya ang pondo para maibigay ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Sa kabila ng pagkakaiba-iba, sinabi ni Mayor Sara na kaisa nito ang mga lokal na pamahalaan sa pagtatrabaho upang maging mapayapa at maunlad ang buhay ng mga Pilipino.