BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
Mayor Sara nanguna sa Pulse Asia survey
Ryan Ponce Pacpaco
Mar 14, 2022
574
Views
MULING namayagpag sa vice presidential survey ng Pulse Asia si Davao City Mayor Sara Duterte.
Nakapagtala si Duterte ng 53% sa survey na isinagawa mula Pebrero 18-23.
Ang kanyang nakuha ay mahigit doble ng 24% na naitala ng pumapangalawang si Senate President Tito Sotto III.
Pumangatlo naman si Sen. Kiko Pangilinan na nakapagtala ng 11% at sinundan nina Doc Willie Ong na may 6% at Buhay party-list Rep. Lito Atienza na naka-1%.
Nanguna si Duterte sa lahat ng lokasyon ng survey. Nakapagtala ito ng 48% sa National Capital Region (NCR), 41% sa balanse ng Luzon, 51% sa Visayas, at 82% sa Mindanao.