Sara

Mayor Sara nangunguna pa rin sa VP survey

233 Views

MULING nanguna sa Davao City Mayor Sara Duterte sa vice presidential race ayon sa Pulso ng Pilipino survey ng The Issues and Advocacy Center.

Sa survey na isinagawa mula Abril 4 hanggang 15, nakakuha si Duterte ng 50.5 porsyento o lamang ng 23 porsyento sa pumapangalawang si Senate President Tito Sotto na nakapagtala ng 27.5 porsyento.

Pumangalawa naman si Dr. Willie Ong na nakakuha ng 9 porsyento at sumunod naman si Senator Francis Pangilinan na naka walong porsyento.

Si Buhay partylist Rep. Lito Atienza ay nakakuha naman ng dalawang porsyento.

Ang iba pang kandidato ay nakapagtala ng mas mababa sa isang porsyento.

Mayroong dalawang porsyento na hindi pa nakakapili ng kanilang ibobotong vice presidential candidate.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 2,440 respondents gamit ang face-to-face multistage probability sampling at digital tools.

Ang mga respondent ay edad 18 hanggang 65 at mga rehistradong botante.

Ang survey ay mayroong ±3 porsyentong sampling margin of error at 98 porsyentong confidence level.