Megan

Megan nag-react na sa buntis issue

Vinia Vivar Apr 22, 2024
26 Views

May sagot na si Megan Young sa ispekulasyong buntis siya sa first baby nila ng asawang si Mikael Daez.

Naghinala kasi ang netizens na baka nagdadalantao na ang aktres/beauty queen dahil sa in-upload niyang video last Friday.

Sa naturang video ay makikitang nasa isang beach sa Boracay ang mag-asawa at nakasuot ng swim wear. Megan was wearing a two-piece swimsuit at marami ang pumansin na malaki ang kanyang tummy.

Bale ba ay makikita rin sa video na sobra ang pag-aalaga ni Mikael sa misis.

Sey nga ni Megan, princess treatment ang ginawa sa kanya ng asawa.

Kaya naman nag-assume na ang mga Marites na baka pregnant na si Megan.

“Parang buntis na sya ung shape ng tummy nya,” komento ng isang netizen na nasundan pa ng maraming similar comments.

Sey pa ng isa, “tingin k nga din…wow!!! congrats in advance!! tagal n din nla married so it’s time n magkababy n rin cla.”

Nag-viral nga agad ang video at marami ang kumbinsido na buntis na nga ang aktres/beauty queen. Kaya naman kinu-congratulate na nila ang mag-asawa.

Pero sumagot si Megan sa comment ng isang netizen na pumuna nga na buntis na siya.

“Busog lang,” sagot ng misis ni Mikael.