Calendar
Mental health programs para sa OFW hiniling palakasin
ISINUSULONG ni OFW Party List. Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang pagpapalakas ng mental health programs para matulungan ang libo-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumaranas ng ganitong karamdaman.
Ayon kay Magsino, bunsod ng kaniyang rekomendasyon upang mapalakas ang mental health programs hindi lamang para sa mga OFWs bagkos para narin sa mga kawani ng Embahada at Konsulado sa United Kingdom of Arab Emirates (UAE).
Naging matagumpay umano ang isinagawang Psychological First Aid (PFA) ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa tatlong pung empleyado ng Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Paliwanag ni Magsino na ang nasabing programa ay nagbigay ng napakahalagang kasanayan para sa pagbibigay ng DFA na itinuturing na isang agarang pagtugon sa mga OFWs na sumasailalim sa matinding krisis sa ibayong dagat habang binibigyang diin aniya ang pangangailangan ng self-care para manatiling matatag ang mga responders.
Pinasalamatan din ng DFA ang kongresista dahil sa ipinakita nitong suporta at rekomendasyon na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga OFWs sa Saudi Arabia. Gayundin ang pasasalamat ni Magsino para sa pamunuan ng DFA makaraang dinggin nito ang kaniyang panawagan at rekomendasyon para maaksiyunan ang kalagayan ng mga OFWs at mga empleyado ng DFA sa Saudi Arabia.
“Nagpapasalamat tayo sa suporta ng DFA sa ating panawagan. Hindi lamang ito ang gagawin nating mental health programa, marami pa tayong mga programa para matulungan ang mga kababayan nating OFWs,” paliwanag ni Magsino.
To God be the Glory