Meralco

Meralco may taas-singil ngayong Hunyo

Arlene Rivera Jun 9, 2023
125 Views

MAGTATAAS ng singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Hunyo.

Ayon sa Meralco tataas ang singil ng P0.4183 kada kWh o magiging P11.9112 kada kWh mula sa P11.4929 kada kWh noong Mayo.

Ito ay katumbas ng P84 sa mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Paliwanag ng Meralco natapos na noong Mayo ang ibinibigay nitong refund kaya tumaas ang singil. Ang refund ay sinimulang ibigay noong Marso 2021.

“These refunds benefitted Meralco’s customers over the past two years as these helped temper increases in electricity bills at a time of financial distress and uncertainty for many,” ayon kay Meralco Head of Regulatory Management Office Atty. Jose Ronald V. Valles.

Bumaba naman umano ang generation charge ng P0.4195 kada kWh o mula P7.6697 kada kWh noong Mayo ay naging P7.2502 kada kWh ngayong buwan.