CAAP

Mga airports handa kay Pepito–CAAP

Jun I Legaspi Nov 16, 2024
55 Views

TINIYAK ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na handa ang lahat ng paliparan sa ilalim ng kanilang pangangasiwa sa gitna ng posibleng pananalasa ng bagyong Pepito.

Partikular na nakalatag ang precautionary measures sa Bicol International Airport (BIA), Virac Airport at Naga Airport.

Nagbigay ang CAAP ng mga madaling lutuin na pagkain, kape, pansit, biskwit sa mga tauhan na tumutuloy sa sa paliparan.

Pinaalalahanan ng CAAP ang mga tauhan nito na unahin ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya.

Ayon kay Area Manager Cynthia Tumanut ng Area Center 5, mayroong 16 na flights ang nakansela ngunit walang nakasaad na apektadong pasahero.

Iniulat ng Tacloban at Calbayog Airport na 30 ang kanseladong flights at 1,410 na indibidwal ang apektado.

Operational pa rin ang Borongan, Catarman, Guiuan, Maasin, Ormoc at Hilongos airports sa Area Center 8 ngunit nakararanas pa rin ng maulap at mahangin na panahon na may panaka-nakan pag-ulan.

Sa Area Center 10, tuloy-tuloy ang mga byahe sa Laguindingan at Camiguin Airport at walang naiulat na kanselasyon ng mga flight sa kabila ng bahagyang maulap na panahon na may mahinang pag-ulan.

Maganda at maaraw ang panahon sa Ozamiz Airport. Samantala, sa Area Center 4, operational na ang lahat ng airport.