Mga beterano kinilala ni PBBM

157 Views

KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa pagdiriwang ng ika-81 Araw ng Kagitingan, sinabi ni Pangulong Marcos na lumaban ang mga beterano at itinaya ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa.

“We celebrate all the individual acts of valor and of sacrifice. We celebrate the Filipino spirit. We celebrate our countrymen’s deep, abiding love of every Filipino: love for our land, love for our people, and love for our freedom,” ani Pangulong Marcos.

“We have been called upon to stay true to that tradition, that tradition that Filipinos have demonstrated throughout our history. And so it is today that the spirit of heroism is once again asked of us by our country,” dagdag pa ng Pangulo.

Bagamat hindi umano ito katulad ng pakikipaglaban sa gera, sinabi ni Pangulong Marcos na humaharap ang mga Pilipino ngayon sa pang-araw-araw na hamon.

Alinsunod sa Proclamation No. 466, s. 1989, ipinagdiriwang ng bansa ang Philippine Veterans Week mula Abril 5 hanggang 11 taon-taon.

Itinakda naman ng Executive Order No. 203, s. 1987 ang Abril 9 ng bawat taon bilang Araw ng Kagitingan.

Pinirmahan naman ni Pangulong Marcos ang Proclamation No. 90, s. 2022, upang ipagdiwang ngayong taon ang Araw ng Kagitingan sa Abril 10.