Martin Tinanggap ng mga gubernador na pinangunahan nina Rodolfo “Rodito” Albano III ng Isabela, Dax Cua ng Quirino, at Hermilando Mandanas ng Batangas ang hamon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na suportahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na sugpuin ang kahirapan at ibang problemang hinaharap ng Pilipinas. Ito ay matapos ang pulong na dinaluhan ng 17 top provincial leaders sa Aguado residence sa Malacañang Linggo ng gabi. Dumalo rin sa pagpupulong sina Rogelio Roque of Bukidnon, Erico Aumentado ng Bohol, Henry Oaminal ng Misamis Occidental, Datu Pax Mangudadatu ng Sultan Kudarat, Susan Yap ng Tarlac, Humerlito Dolor ng Oriental Mindoro; Jose Gambito ng Nueva Vizcaya, Peter Unabia ng Misamis Oriental, Sharee Ann Tan ng Samar, Eduardo Gadiano ng Occidental Mindoro, Joseph Cua ng Catanduanes, Manuel Sagarbarria ng Negros Oriental, Hajiman Hataman Salliman ng Basilan, at Rhodora Cadiao ng Antique. Sina House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales ng Pampanga, Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, Navotas Rep. Toby Tiangco, Special Assistant to the President Anton Lagdameo, at Palawan Rep. Jose Alvarez ay dumalo din. Kuha ni VER NOVENO

Mga gubernador tinanggap hamon ni Speaker Romualdez na tumulong sugpuin kahirapan

Mar Rodriguez Sep 9, 2024
59 Views

TINANGGAP ng mga gubernador ng iba’t ibang probinsya ang hamon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na tulungan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kampanya nito laban sa kahirapan at iba pang problemang kinakaharap ng bansa at kani-kanilang komunidad.

Sinabi ng mga gubernador sa lider ng Kamara de Represengtantes na handa silang tulungan ang administrasyong Marcos upang mapaganda ang kalagayan sa buhay ng kanilang mga constituent.

“Nakahanda kaming tumulong sa patuloy at mas maigting na paglaban sa kahirapan. Getting our people out of poverty should be a shared goal of the national government and local government units,” sabi ni Isabela Gov. Rodito Albano.

“Matagal nang problema ang kahirapan sa mga urban center at sa kanayunan. But the administration of PBBM is making substantial progress in reducing poverty,” sabi pa nito.

Ganito rin ang sinabi ni Quirino Gov. Dax Cua. “We accept the Speaker’s challenge. We should have more meetings to flesh out the details of fighting poverty and other provincial problems, including peace and order.”

Ipinahayag din ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas ang kahandaan nitong tumulong upang mapaunlad ang bansa. “Masaya kami na binigyang pansin ni Speaker Romualdez ang problemang ito, at tinatanggap namin ang hamon niya.”

Ibinigay ni Speaker Romualdez ang hamon ng administrasyon sa pakikipagpulong nito sa 27 gubernador noong gabi ng Huwebes.

Noong Linggo, pinulong naman ni Speaker Romualdez ang ikalawang batch ng 17 gubernador kasama sina Albano, Cua, at Mandanas.

Sinabi ni Speaker Romualdez na siya ay masaya sa tugon ng mga lokal na opisyal.

“We can accelerate poverty reduction in our country if the national and local government units work together. Of course, we also need the help of the private sector, huge corporations, and businessmen,” sabi ni Speaker Romualdez.

Iginiit ni Albano ang kahalagahan na mapa-unlad at gawing moderno ang sektor ng agrikultura, kung saan maraming pamilya ang umaasa.

“Aangat ang buhay nila if we improve farming methods and productivity,” sabi nito.

Sinabi naman ni Cua na magiging mahalaga ang irigasyon, makabagong kagamitan, at high-yielding na mga binhi sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Ipinunto ni Cua na ang maraming ani ay nangangahulugan ng mas malaking kita para sa mga magsasaka at dagdag na suplay ng bigas para sa bansa.

“If we have more rice supply, prices will surely go down to the benefit of all consumers,” dagdag pa ni Cua.

Dumalo rin sa pagpupulong noong Linggo ng gabi sina Governors Rogelio Roque ng Bukidnon, Erico Aumentado ng Bohol, Henry Oaminal ng Misamis Occidental, Datu Pax Mangudadatu ng Sultan Kudarat, Susan Yap ng Tarlac, Humerlito Dolor ng Occidental Mindoro;

Jose Gambito ng Nueva Vizcaya, Peter Unabia ng Misamis Oriental, Sharee Ann Tan ng Samar, Eduardo Gadiano ng Occidental Mindoro, Joseph Cua ng Catanduanes, Manuel Sagarbarria ng Negros Oriental, Hajiman Hataman Salliman ng Basilan, at Rhodora Cadiao ng Antique.

Dumalo rin sa pulong sina Special Assistant to President Anton Lagdameo at Palawan Rep. Jose Alvarez.

Sina Lagdameo, Alvarez, Dax Cua, at Joseph Cua ay kasama rin sa unang pagpupulong noong Huwebes.

Dumalo rin sa unang pagpupulong ang 25 gubernador na sina Ben Evardone ng Eastern Samar, Victor Yu ng Zamboanga del Sur, Alexander Pimentel ng Surigao del Sur, Yvonne Cagas ng Davao del Sur, Emmylou Mendoza ng Cotabato, Edwin Ongchuan ng Northern Samar, Ysmael Sali ng Tawi-Tawi;

Reynaldo Tamayo ng South Cotabato, Ramon Guico III ng Pangasinan, Malou Cayco ng Batanes, Jerry Singson ng Ilocos Sur, Elias Bulut ng Apayao, Enrique Garcia ng Bataan, Jun Ebdane ng Zambales, Melchor Diclas ng Benguet, James Edubba ng Kalinga, Jerry Dalipog ng Ifugao, Bonifacio Lacwasan ng Mountain Province;

Jose Riano ng Romblon, Ricarte Padilla ng Camarines Norte, Nina Ynares ng Rizal, JC Rahman Nava ng Guimaras, Arthur Defensor Jr. ng Iloilo, Jake Villa ng Siquijor, at Xavier Jesus Romualdo ng Camiguin.