Bongalon Assistant Majority Leader Jil Bongalon

Mga kongresista pumalag sa patutsada ni Sen. Villanueva

113 Views

PINAALALAHANAN ng dalawang kongresista si Sen. Joel Villanueva na igalang ang inter-parliamentary boundaries lalo na sa usapin na hindi pa saklaw ng Senado, tulad ng ginawang pagtapyas ng Kamara de Representantes ng P1.3 bilyon sa panukalang badyet ng Office of the Vice President (OVP).

Kapwa pinuna nina Deputy Majority Leader Jude Acidre at Assistant Majority Leader Jil Bongalon ang pag-atake ni Villanueva sa naging desisyon ng House committee on appropriations na ibaba sa P733 milyon ang hinihinging P2.037 bilyong badyet ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte, na tumangging bigyang rason ang hinihinging pondo para sa 2025.

Hinimok ni Acidre si Villanueva na tumutok sa kanyang mga tungkulin at gawain sa Senado sa halip na makialam sa mga isyu na saklaw pa lamang ng Kamara at ireserba ang kaniyang pagpuna at argumento kapag ang usapin ay nasa Senado na.

“Rather than casting aspersions on the House for fulfilling its sworn duty, Sen. Villanueva should just allow us to craft the budget on our own terms and in the way we see fit.

Darating din naman ito sa Senado so pwedeng doon niya ipahayag ang kanyang mga saloobin,” ayon kay Acidre.

“Kasi pag ngayon siya magsasalita laban sa desisyon ng House, baka maparatangan pa siya na ‘di niya kayang depensahan ang kanyang posisyon sa mga kapwa niya senador.

Pangit po tingnan and we ask our dear senator to refrain from making statements to the media,” dagdag pa ni Acidre.

Tinutukoy ni Acidre na ang mga pagtalakay sa badyet ay isa sa mga pangunahing tungkulin ng parehong kapulungan ng Kongreso, ang Senado at Kamara, kung saan nagsasagawa ng maingat at detalyadong pagsusuri ang kapulungan sa bawat bahagi ng badyet upang matiyak na tama ang pinaglalaan ng limitadong pondo.

“It’s ironic that Sen. Villanueva criticizes the House for its handling of the OVP budget while failing to acknowledge that the Senate is also reviewing the same budget, including sensitive items,” saad pa ni Acidre.

Una ng pinuna ni Villanueva ang Kamara dahil sa higit sa kalahating pagtapyas sa badyet ng OVP para sa 2025, at ang posibleng implikasyon ng hakbang na ito at iminungkahi na protektahan ang OVP mula sa mga pampulitikang motibo.

Ipinunto ni Bongalon na ang mga pampublikong pahayag ni Villanueva ay isang paglabag sa tinatawag na “inter-parliamentary courtesy” o panghihimasok sa saklaw na gawain ng Kamara.

“Senator Villanueva’s remarks about the House’s treatment of the OVP budget blatantly disregard the long-standing tradition of inter-parliamentary courtesy. Each chamber has its autonomy, and we expect the Senator to respect the House’s jurisdiction in the same way that we respect the Senate’s role,” diin ni Bongalon.

Binigyan-diin ni Bongalon ang kahalagahan ng pagpapanatili ng decorum sa pagitan ng Senado at Kamara, at kung siya ay may puna ay dapat itong talakayin sa loob ng Senado kung saan siya nabibilang.

“Instead of questioning the competence of the House, perhaps Sen. Villanueva should direct his concerns toward his fellow senators in their upcoming deliberations. Could it be that he anticipates difficulty defending his stance against more experienced and well-versed senators?” tanong pa ni Bongalon.

Kapwa nanindigan ang dalawang kongresista sa pagpapanatili ng integridad sa proseso ng badyet, pagtiyak ng transparency o pagiging bukas sa lahat ng detalye ng badyet upang makita ng publiko kung paano ginagamit at gagamitin ang pondo ng bayan, at ang pananagutan ng mga opisyal at ahensya na gumagastos sa pondo ng pamahalaan, kabilang na ang OVP.