Torre CIDG Chief Gen. Nicolas Torre III

Mga lider ng Kamara, Young Guns pinuri CIDG chief sa laban kontra fake news

16 Views

PINURI ng mga lider ng Kamara de Representantes at ng Young Guns si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Gen. Nicolas Torre III sa kanyang matibay na paninindigan laban sa fake news at pagkakalat ng maling impormasyon, partikular ang pagsasampa nito ng reklamo laban sa isang vlogger na nakabase sa Cebu na nagkalat umano ng maling balita laban sa kanya.

“In today’s digital age, truth matters more than ever. We commend the CIDG chief for his commitment to upholding facts and holding accountable those who deliberately mislead the public,” ayon sa joint statement nina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Manila Rep. Bienvenido Abante, Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, La Union Rep. Paolo Ortega at Zambales Rep. Jay Khonghun.

Noong nakaraang linggo, naghain si Torre ng mga reklamong inciting to sedition at unlawful utterances laban kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte kaugnay ng kanyang pahayag na dapat patayin ang 15 senador upang manalo ang lahat ng kanyang senatorial candidates sa midterm elections.

Si Torre ay itinalaga bilang hepe ng CIDG noong Setyembre 2024. Siya ay naging police director din ng Davao region kung saan kanyang pinangunahan ang mga operasyon laban sa nakakulong na senatorial candidate na si Apollo Quiboloy, na kilalang kaalyado ng dating Pangulong Duterte, na may mga kaso ng human trafficking.

Binigyang-diin ng mga kongresista ang panganib na dala ng misinformation dahil nagdudulot ito ng kalituhan at nagpapahina ng tiwala sa mga demokratikong institusyon.

“Fake news is a serious threat to our society. It misleads people, distorts public discourse and even puts lives at risk. Those who spread false information should be held responsible for the damage they cause, whether to private individuals, public servants or the Filipino people as a whole,” ayon sa kanila.

Ipinunto rin nila na sa diwa ng Bagong Pilipinas, kailangang ipatupad ang hustisya sa pamamagitan ng legal na proseso at hindi sa pamamagitan ng karahasan o extrajudicial actions.

“In this new era of governance, those who break the law are not silenced or killed. There are no extrajudicial killings here. Instead, we hold them accountable through the legal process,” dagdag pa nila.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang isang hinihinalang data breach at misinformation campaign na may kinalaman sa mga indibidwal na lumahok sa kilos-protesta sa Cebu noong Sabado, kabilang ang vlogger na si Ernesto “Jun” Abines.

Isinagawa ang operasyon laban kay Abines matapos akusahan ni Torre na nagpakalat ito ng fake news tungkol sa umano’y pagkakaospital ng CIDG chief.

Kinumpirma ni Torre na humingi siya ng search warrant upang makuha ang mga kagamitan na diumano’y ginamit sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Binigyang-diin ng mga pinuno ng Kamara ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng gobyerno at publiko upang labanan ang fake news.

“This is not just the government’s fight. Every Filipino has a role to play in ensuring that truth prevails over lies,” anila.

Nanawagan din sila sa publiko na maging mapanuri sa pagbabahagi ng impormasyon sa social media.

“Let’s be critical of what we read and hear. Verify facts before spreading information—this is the best way to stop the spread of fake news,” giit nila.

Muli namang ipinaabot ng mga mambabatas ang kanilang suporta sa mga panukalang batas na nagpapataw ng parusa sa mga indibidwal at organisasyong sadyang nagpapakalat ng kasinungalingan, na kasalukuyang tinatalakay sa House tri-committee.

“We support laws that will hold accountable those who peddle fake news to mislead and deceive the public,” anila.

“As elected representatives, it is our duty to set an example by upholding truth and integrity in public service,” dagdag pa nila.

Si Barbers ang chairman ng House quad committee at pinuno ng House committee on dangerous drugs, habang si Abante naman ang chairman ng House committee on human rights at co-chairman ng House quad comm.

Kabilang naman sina Adiong, Ortega at Khonghun sa mga pangunahing lider ng Young Guns sa Kamara de Representantes.