Poe

Mga manggagawang Pilipino pinapurihan ng Senado

103 Views

BILANG pagpupugay sa mga manggagawang Pilipino, inilarawan ng mga senador ang manggagawang Pinoy bilang tunay na kayamanan at karangalan ng bansa.

Ayon sa mga senador, hindi matatawaran ang kagitingan na ipinamalas ng mga mangagawa sa gitna ng maraming pagsubok sa mga nagdaan na panahon.

“Saludo tayo sa dangal, husay at lakas na ipinapamalas ng ating manggagawa para itaguyod ang kanilang pamilya at pangarap. Sa kabila nito, nahaharap pa rin ang karamihan sa kawalan ng seguridad sa trabaho at kahirapan, lalo na ang ating mga kababayang magsasaka, mangingisda, tsuper at mga contractual workers,” ani Sen. Grace Poe kung saan ay pinapurihan niya ang sakripisyo ng ating mga mangagawa dito at sa labas ng bansa.

“In the Senate, we have earlier passed on third and final reading the P100 wage hike bill to help ease the impact of the rising costs of living on our workers. We reiterate our call to employers who are capable to provide supplementary allowance or extend any assistance to their employees to help them get by,” ani Poe na nagsabing hinihiling niya sa maraming employer ng mga ito na bigyan konsiderasyon ang kanilang mga empleyado lalot matapang na sinasagasa ng mga ito ang init ng panahon upang makapag hanapbuhay lamang.

“We urge offices to provide heat breaks, alternative work set-up, and observe other measures to ensure a safe environment for their workers,” giit ni Poe.

Para naman kay Sen. Risa Hontiveros isang matinding saludo ang ibinibigay niya sa mga mangagawang Pinoy kung saan ay hinihingi niya rin sa gubyerno na bigyanng tamang proteksyon at pangangalaga ang ating mga mangagawa sa ibat ibang sektor ng lipunan.

“Isang matayog na pagpupugay sa lahat ng manggagawang Pilipino! Holiday man itong pambansang araw ng paggawa, hindi naman dapat nagho-holiday ang pagpapatatag ng seguridad at proteksyon ng lahat ng ating mga kababayang araw-araw dumidiskarte,” ani Hontiveros.

Iminungkahi din ni Hontiveros na palawakin pa ang mga benepisyong pwedeng pakinabangan ng ating mga mangagawa upang higit na makatulong ito sa kanila at sa kanilang pamilya.

“The time has come to expand the reach of our labor laws. Dapat ay lumalawak na ang saklaw ng ating mga batas upang sama-samang umunlad ang lahat ng manggagawa, anuman ang kanilang mga ‘raket’ sa buhay: formal man o informal, public man o private, digital man o face-to-face. Yan na ang kwento ng manggagawang Pilipino ngayon.”

“Kaya nananawagan ako para sa karagdagang proteksyon at benepisyo para sa ating mga delivery riders, construction workers, at manggagawa sa agriculture sectors na mas nakakaranas ng hirap sa trabaho dala ng matinding init ng panahon. Napakahalaga ng kanilang serbisyo sa ating mga komunidad, ngunit nagiging mapanganib na ang kondisyon sa labas— ang kanilang mismong lugar ng paggawa,” pahayag ni Hontiveros.

Dinagdag rin ni Hontiveros na dapat aniyang ipagkaloob ang mga pribilehiyo sa ating mga mangagawa dito at maging sa ibang bansa dahil sa pagtulong nila sa paggalaw ng ating ekonomiya.

“Kaya tuloy rin ang ating laban para sa Anti-Endo and Contractualization Bill, na naglalayong wakasan na ang endo sa bansa; ang POWERR bill, na naglalayong bigyan ng konkretong benepisyo at proteksyon ang mga freelancers sa lumalaking gig economy; at ang Senate Bill No. 148 (Maternity Benefit for Women In the Informal Economy), para sa mas malawak na tulong pinansyal at dagdag na pahinga para sa mga buntis na informal workers. Wag sanang dinededma ang mga alalahanin ng mga tagapagtaguyod ng ekonomiya ng ating bansa. Pahalagahan natin ang sipag, dignidad, at pantay-pantay na oportunidad para sa lahat ng manggagawang Pilipino,” ani Hontiveros.

Ayon naman kay Senate President Juan Miguel Zubiri maituturing na modernß heroes ang ating mga mangagawang Pilipino dahil sa kontribusyon ng mga ito.

“This country is built on the hard work of our workers. They power our industries, and any economic gains that we make as a country is a thanks in large part to their labor,” ani Zubiri .

Inamin din ni Zubiri na bagamat napakalaki ng kontribusyon ng ating mga mangagawa sa ating ekonomiya at sa buong bansa ay patuloy pa rin aniyang kulang ang mga natatanggap ng mga ito.

“Sa Senado, naipasa na natin ang P100 Daily Minimum Wage Increase Act bilang tugon sa panawagan ng ating mga mangagawa,” pagmamalaking tinuran ni Zubiri.

Sinabi naman ni Sen. Pilar Pia Cayetano ang ating mga mangagawa ang siyang backbone ng buong bansa kung bakit nakagagalaw pa aniya ang ating buong ekonomiya dulot ng mga kontribusyon ng mga ito.

Dapat lamang aniya bigyan pagpupugay ang ating mga mangagawang Pinoy dahil sa kanilang mga hirap ng ibinigay sa ating bansa kung saan ay sinentro din ng senadora ang pagbibigay puri sa maraming mangagawang kababaihan.

Ani Cayetano, napapanahon na upang kilalanin ang mga pribilehyo ng mga kababaihan sa kanilang trabaho tulad ng pagkakaloob ng maternity leave benefits, pagbibigay kaluwagan sa mga ina na kailangan mag breastfeeding sa trabaho at ang pagbabawal sa age-based discrimination sa anumang trabaho.

Si Senador Sherwin Gatchalian naman ay iginiit din ang kanyang Revised Magna Carta for Public School Teachers o mas kilala bilang Senate Bill No. 2493.

Napapanahon na aniya bigyan ng tamang benepisyo ang marami nating guro upang makamit nila ang kanilang mga pinaghirapan tulad ng calamity leave, educational benefits, at longevity pay.

“Alalahanin natin ang dedikasyon sa trabaho ng ating mga guro. Sila ang humuhubog sa galing at kakayahan ng ating mga mag-aaral kaya itaguyod natin ang mas mataas na sahod at mas maayos na kabuhayan para sa kanila. Tiyakin din natin na nasa mabuti silang kalagayan upang ipagpatuloy ang hindi mapapantayan nilang sakripisyo,” ani Gatchalian na siyang Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.