Dolor Or. Mindoro Gov. Humerlito Bonz Dolor kasama ang 300 mangingisda tumanggap ng fuel subsidy.

Mga mangingisda may biyaya pa rin kahit tapos na oil spill — Dolor

119 Views

ORIENTAL MINDORO — Nasa 300 mangingisda ang tumanggap ng fuel subsidy mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bayan ng Gloria sa pagpapatuloy ng pamamahagi Agosto 7.

Binigyang diin ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor na hindi tumitigil ang kaniyang pamunuan, katuwang si Vice Governor Ejay Falcon at ang Sangguniang Panlalawigan, sa paghahanap ng mga programang makatutulong sa mga mangingisda sa lalawigan.

“Kahit tapos na ang oil spill ay may biyaya pa rin kayong matatanggap upang ipadama na may pamahalaan kayong masasandalan sa panahon ng pangangailangan,” ang mensahe pa ni Governor Bonz.

Naging katuwang ni Governor Bonz sa pamamahagi sina Vice Governor Ejay Falcon, Board Member Roland Ruga, Board Member Jom Dimapilis, Board Member Juday Servando.