Calendar

Mga opisyal ng Bataan tinanggap mga ambassadors
THE BUNKER, Bataan–Tinanggap noong Abril 9 ng mga provincial officials sa lalawigang ito sa pangunguna nina Gov. Joet Garcia at Vice Gov. Cris Garcia ang mga ambassador ng European Union Massimo Santoro; Romania Raduta Dana Matache, Sweden Anna Ferry at Germany Dr. Andreas Pfaffernoschke.
Kasama rin sa pag-welcome sa mga foreign ambassadors si Atty. Tony Roman ng first district ng Bataan.
Sinabi ni Gov. Garcia na mahalagang pagkakataon ang pagdalaw ng mga ambassadors upang higit pang palalimin ang ugnayan ng Bataan at ng mga bansang kanilang kinakatawan.
Ipinakita nina Gov. Garcia sa kanila ang The Bunker na may one-stop shop business center na naglalayong mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo-publiko.
“Makaaasa po kayo na sa pamamagitan ng patuloy na kooperasyon at palitan ng kaalaman sa pagitan ng Bataan at ng mga nasabing bansa mas mapalawak pa natin ang mga oportunidad para sa progreso at kaunlaran ng ating lalawigan,” dagdag ng gobernador.