Cavite Sina Imus City Mayor Alex Advincula, Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, Vice Mayor Homer Saquilayan at Imus School Division Superintendent (SDS) Homer Mendoza sa turnover ng mga modern school equipment at 50 units ng 75-inch interactive televisions para sa mga classroom sa Tanzang Luma Elementary School noong Hunyo 13.

Mga paaralan sa Cavite handa na pagbabalik eskwela ng mga estudante

Dennis Abrina Jun 15, 2025
19 Views

HANDA na DepEd-Cavite para sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayong Lunes.

Tinatayang aabot sa 800,000 mag-aaral ang magbabalik-eskwela sa public schools, ayon sa DepEd.

Ayon kay Dr. Rosemarie Torres, Cavite Division School Superintendent, handa na ang bawat paaralan sa lalawigan sa pagbabalik eskwela ng mga bata.

Nagkaroon ng dalawang linggong paghahanda o Brigada Eskwela sa pakikipagtulungan ng bawat magulang, mag-aaral at mga volunteers bago ang school opening.

“Isa lang ang naging problema namin sa ngayon–ang pagdami ng naninirahan sa Naic.

Sa relocation ng mahigit 300 families from Bacoor to Naic bumulusok po ang dami ng enrollees sa Ciudad Nuevo Elementary School sa Brgy. Sabang at kulang po ang silid paaralan.

Ang naging remedy po natin ay hatiin sa 3 shifts and tent for temporary classrooms.”

Dagdag ni Dr. Torres may mga adopt-a-school program tulad ng DLSU-Dasmarin̈as na nag-donate ng 100 armchairs at provincial capitol para Ciudad Nuevo.

Magbibigay din ng bike para sa mga mag-aaral partikular sa mga barrio school para magamit sa pagpasok sa paaralan.