Drugs

Mga sangkot sa madugong war on drugs puwede parin madiin sa kaso — Valeriano

Mar Rodriguez Jun 9, 2024
117 Views

๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—” ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐˜ƒ๐—ถ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐˜…๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ท๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐˜€ (๐—˜๐—๐—ž) ๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐˜‚๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด “๐˜„๐—ฎ๐—ฟ ๐—ผ๐—ป ๐—ฑ๐—ฟ๐˜‚๐—ด๐˜€” ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ.

Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, tama ang ibinigay na pahayag ng Chairman ng House Committee on Human Rights na si Manila 4th Dist. Cong. Bienvenido “Benny” M. Abante,Jr. na bagama’t hindi na makakapag-kuwento ang mga naging biktima ng madugong war on drugs, ang mga ebidensiya naman ang magsisiwalat ng buong katotohanan.

Ipinaliwanag ni Valeriano na sa kasong ito pinatutunayan ang kasabihan na “walang lihim na hindi mabubunyag at “hindi nagsisingaling ang ebidensiya.”

Aniya, ang mga nakalap na ebidensiya sa EJK ang magkukuwento ng mga naganap na pangyayari hinggil sa pagkamatay ng maraming biktima na pinaratangang drug pushers o drug users ng mga pulis na mariing itinatanggi naman ng kanilang mga kaanak.

Sinabi pa ni Valeriano na ang tanging layunin lamang ng isinasagawang imbestigasyon ng Committee on Human Rights ay malaman ang katotohanan kung mayroong nangyaring paglabag sa karapatang pantao habang inilulunsad ang madugong war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipinapalagay na maraming inosenteng sibilyan ang napatay ng walang kalaban-laban matapos silang mapagkamalan ng mga pulis na drug pusher at drug user.

Binigyang diin ng Manila solon na nais pairalin ng Kamara de Representantes ang tinatawag na “rule of law” kaya ito ang sisikapin nilang gawin para mapanagot ang mga itinuturong responsable sa naganap na pagpatay at mabigyan ng katarungan ang libo-libong biktima ng EJK.

Sabi pa ni Valeriano, napakahalaga ng buhay ng isang tao. Kaya nararapat lamang na kumilos ang Kongreso upang mapangalagaan ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagkakloob ng proteksiyon ng Estado para sa mga mamamayan na ginagarantiyahan naman ng 1987 Constitution.

Umaapela din ang kongresista sa mamamayan na makipag-tulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara de Representantes upang makamit ang hustisya para sa mga naging biktima ng madugong war on drugs.