Calendar
Online fraud members nasakote
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na banyagang pinaghihinalaang sangkot sa online loan fraud scheme noong Miyerkules at Huwebes sa isang condominium unit sa Parañaque.
Nagsimula ang aksyon ng awtoridad mula sa isang mission order laban sa dalawang banyagang pugante na kalaunan ay humantong sa pagkakadiskubre sa siyam na Koreanong nagpapatakbo ng kahina-hinalang scam platforms.
Sa isinagawang inspeksyon, natagpuan ng mga awtoridad ang mga suspek na nakapuwesto sa kani-kanilang computer stations na may mga nakahandang script na pinaniniwalaang ginagamit sa panlilinlang sa online lending.
Ayon sa kinatawan ng South Korean government, ang naturang setup ay nagpapakita ng katangian ng isang internasyonal na operasyon ng online loan fraud na tinatarget ang mga biktima sa labas ng bansa.
Pansamantalang nakakulong ang mga inaresto sa Organized and Transnational Crime Division ng NBI at ililipat sa BI Warden Facility matapos ang proseso.

