BBM

Mga sundalo ng Australia sinaluduhan ni Pangulong Marcos

Chona Yu Feb 29, 2024
156 Views

BINIGYANG-respeto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga nasawing sundalo ng Australia.

Kasama ni Pangulong Marcos na bumisita sa Australian War Memorial Gallery si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Nag-alay si Pangulong Marcos ng bulaklak sa mga nasawing sundalo na nakipaglaban sa kalayaan ng Australia.

“We paid our respects to Australian soldiers, some of whom fought side-by-side with our own in the pursuit of freedom,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Australian Parliament, nagbalik tanaw ang lider kung paano lumaban ang dalawang bansa para makamit ang kalayaan.

Nasa Australia si Pangulong Marcos para sa dalawang araw na state visit.