Calendar
Metro
Mga suspek sa shoplifting tiklo
Melnie Ragasa Jimena
Jul 24, 2026
240
Views
ARESTADO ang limang hinihinalang shoplifter dahil umano sa pagpupuslit ng mga paninda sa SM North EDSA sa Barangay Sto. Cristo, Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGen. Randy Glenn Silvio ang mga suspek na sina alyas “Ger,” 21; “Che,” “Nat,” 44; “Iv” at “Chris,” 18.
Nagpanggap na mga buyer ang mga suspek at isinilid umano ang iba-ibang paninda sa kanilang mga bag bago nagtangkang makalabas nang hindi nagbabayad.
Nabisto sila ng mga guwardiya ng establisimyento at ipinahuli sa mga pulis.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong theft.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

