MIAA

MIAA itinurn over sa NNIC operationa control ng 2,100 CCTV cameras

Jun I Legaspi Nov 7, 2026
48 Views

PORMAL na ipinasa ng Manila International Airport Authority (MIAA) noong Nobyembre 6, 2026 sa New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang operasyonal na kontrol ng mahigit 2,100 closed-circuit television (CCTV) cameras na nakalagay sa iba’t ibang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), alinsunod sa mga probisyon ng NAIA Public-Private Partnership (PPP) Concession Agreement.

Nasaksihan ang turnover nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, MIAA Senior Assistant General Manager Ma. Lourdes S. J. Reyes, at NNIC Executive Assistant to the President and CEO Cesar M. Chiong.

Ang paglilipat ng operasyonal na kontrol ay bahagi ng transisyon ng mga tungkulin sa operasyon at maintenance ng NAIA patungo sa NNIC bilang pribadong concessionaire, alinsunod sa itinakda sa Concession Agreement.

Samantala, patuloy na gagampanan ng MIAA ang mga tungkulin nito sa regulasyon at pangangasiwa upang masiguro ang pagsunod ng NNIC sa mga probisyon ng Concession Agreement, kabilang ang mga itinakdang pamantayan sa pagganap at kalidad ng serbisyo.

Nanatiling nakatuon ang MIAA sa pakikipagtulungan sa DOTr, NNIC, at iba pang airport stakeholders upang matiyak ang patuloy na kaligtasan at seguridad ng mga pasahero, kawani ng paliparan, at iba pang gumagamit ng NAIA.