Clavano

Mico Clavano itinalagang spokesman ng DOJ

230 Views

ITINALAGA ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla si Atty. Mico Clavano bilang spokesperson ng Department of Justice (DOJ).

Pinirmahan ni Remulla ang designation paper ni Clavano noong Agosto 15.

Sinabi ni Clavano na magiging transparent ang ahensya sa mga gagawin nito.

Kasama sa trabaho ni Clavano ang pagpapalabas ng press statement ng ahensya.

Si Clavano ay dating associate solicitor ng Office of the Solicitor General of the Philippines.