Acidre

Military action sa WPS justified pero mga solon mas pabor sa diplomatikong solusyon

124 Views

BAGAMAT maituturing umanong nasa katwiran ang pagkakaroon ng military action sa West Philippine Sea (WPS), naniniwala ang mga kongresista na makabubuti ang paggamit ng diplomatikong solusyon sa isyu.

Ito ang nagkakaisang sinabi nina Isabela Rep. Faustino “Inno” Dy V, TINGOG Partylist Rep. Jude Acidre, at Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. matpos na matanong kaugnay ng resulta ng OCTA Research kung saan 73% ng mga Pilipino ang pabor sa military action laban sa China at 72% ang pabor sa diplomatic approach upang maresolba ang agawan ng teritoryo sa WPS.

“Naiintindihan po natin kung bakit ganito ang sentimento ng ating mga kababayan ngayon, dahil napakaraming incident na nabully tayo, na-harass tayo, sa sarili nating teritoryo, so normal lamang na ganito po ang nararamdaman din ng ating mga kababayan,” sabi ni Dy.

“That’s why on our end as members of Congress, budget season is coming up, we can lobby and we can fight na madagdagan ang funding po natin para sa mga better surveillance, budget po para sa ating Coast Guard at sa ibang ahensya ng gobyerno natin,” dagdag pa nito.

“Kinakailangan po nila ng mas marami pang suporta para mas magawa nila ng mas maayos ang kanilang mga katungkulan,” saad pa ni Dy.

Sinabi naman ni Acidre na ang resulta ng survey ay patunay na tama ang direksyon ng administrasyong Marcos kaugnay ng isyu.

“Nakikita na ang mga Pilipino ay nagkakaisa, at everybody is almost agreeing whether by diplomatic means, whether by military presence, na kailangan natin ipaglaban ang soberanya natin at ang ating sovereign rights sa WPS,” sabi ni Acidre.

“That’s a good indicator of how much trust the President and the administration has in pursuing a diplomatic solution … were still pursuing the diplomatic channels … Kung nakikita niyo, palaging naghahain tayong diplomatic protest, pero at the same time we also making sure that we are capable of defending our boundaries,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Dionisio ang iba pang bansa na claimant sa South China Sea ay dapat maging bahagi ng diplomatic solution.

“Hindi natin gusto ng giyera. Pero it is our right to defend the sovereignty of our country. Kaya ‘yung mga sinasabi ng iba na maliit tayo, hindi natin kaya ang China, meron tayong mga kakampi, like-minded countries who are willing to support our country,” sabi ni Dionisio.

“Magsama-sama tayo, let’s be united to answer this bully. Hindi dapat lalaban lang tayo dun sa kaya lang nating ipanalo. We fight the fight that needs fighting. Kailangan natin ipaglaban ‘yung dapat,” dagdag pa nito.