Calendar
Milyon-pisong ayuda para sa mga solo parents sa Compostela maagang pamasko ni Rep. Frasco
NAGMISTULANG maagang “Pamasko” ang pamamahagi ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ng milyon-pisong aguda para sa libo-libong solo parents sa Compostela, Cebu.
Pinangunahan ng House Deputy Speaker ang pamimigay ng tinatayang P5.85 milyong cash assistance para sa 1,256 solo parents sa Compostela ilang linggo bago pumasok ang holiday season.
Ipinaliwanag ni Frasco na nauunawaan nito ang mahirap na kalagayan ng mga solo parents na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya kabilang na dito ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak. Naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng ipinamahagi nitong cash assistance.
Sabi din ni Frasco na makakatulong din ang naturang ayuda sa pang-araw araw na gastusing pinapasan at kinakaharap ng mga single parents para itaguyod ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
“This initiative aims to provide much-needed financial relief for everyday expences and empower those who tirelessly serve their communities and care for their families,” sabi ni Frasco.
Bukod sa cash assistance, nabatid sa kongresista na namahagi rin siya ng tig-limang kilo ng bigas para sa lahat ng 1,256 benepisyaryo o solo parents bilang commitment narin ni Frasco para sa lahat ng mamamayan ng Compostela, Cebu.