BBM4 Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagdeklara sa Misamis Occidental bilang insurgency-free province.

Misamis Occ.

Chona Yu Sep 27, 2024
88 Views

BBM5INSUGENCY-FREE na ang Misamis Occidental.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nanguna sa deklarasyon sa Tangub City Global College Sports Complex, Misamis Occidental.

”After years of consistent and resolute security, peace, and community-building, we have succeeded in our campaign to end the decades of conflict in the 60 barangays in your province that were once in the clutches of insurgent movements,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matagumpay aniyang nawasak ang pangunahing pamunuan ng mga dating insurgents na nagpapakilos sa Misamis Occidental at nagresulta naman ito sa muli nilang pagbabalik sa lipunan.

Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Marcos ang mga lokal na pamahalaan ng probinsya na palakasin ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga katuwang, at iba pang stakeholder para hadlangan ang anumang pagbabalik o pag-angkat ng mga teroristang grupo o sinumang kanilang tagasuporta o financier na maaring magbalik.

”Let us harness the power of peace to uplift this province, this region, and this nation to unparalleled heights. Let Misamis Occidental stand as a shining example of what can be achieved when we work for the greater good together,” ayon pa kay Pangulong Marcos.