Leni Robredo

Misinfo drive ni Leni sa Negros sortie buking

310 Views

Palabas na walang bus, 70k na raliyista pinasinungalingan

PINASINUNGALINGAN ng Vallacar Transit Inc. ang naunang pahayag ng kampo ni Leni Robredo na dahil sa kawalan na ng masasakyang pampasaherong bus kaya’t naglakad ng malayo ang mga supporters nito para dumalo sa rally sa Bacolod City nitong nakalipas na Biyernes.

Kasabay nito, kinastigo rin ang kampo ni Robredo sa pagpapakalat ng maling impormasyon na umabot ng 70,000 katao ang dumalo sa kaniyang campaign rally sa dalawang ektaryang Paglaum Sports Complex dahil hamak na mas malaki ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na nasa 140 ektarya at may 55,000 capacity lamang.

“Sinungaling talaga! Kelan pa naging mas malaki ang Paglaum sa Philippine Arena? Hindi lang Iglesia ni Cristo ang iniinsulto nila kundi pati na rin ang katalinuhan ng mamamayang Pilipino,” anang isang netizen.

Sa isang kalatas, sinabi ng management ng Vallacar Transit Inc. na walang katotohanan na nagkansela sila ng biyahe’t operasyon sa anumang panig ng Northern Negros – taliwas sa pahayag ng Pinklawan.

“Vallacar Transit Inc. would like to inform our beloved riding public that we have no stoppage of our trips. This is contrary to statements maliciously spread in the social media,” pahayag ng Vallacar

“We are here to serve the riding public with utmost safety and comfort even during the pandemic, and there is no reason for us to cancel our trips now that the travel restrictions have been lowered,” sabi pa nila.

Kaugnay nito, nagbabala ang management sa publiko na huwag agad maniwala sa mga naglalabasan sa social media dahil karamihan sa mga ito ay minamanyobra na ng ilang grupo para mapagsamantalahan ang kasalukuyang takbo ng pulitika.

Isa rin ang pagmamanipula sa social media kaya batbat ng batikos ngayon ang kampo ni Robredo lalo’t ipinagyabang na umabot sa 70,000 katao ang dumalo sa Paglaum Sports Complex.

Isang social media user ang nagsabing kung susukatin ang naturang sports complex kabilang na ang stage, ringsides, upper and lower boxes, bleachers, pati ang lugar para sa mga audience na may 16,000 square meters, nasa 16,000 katao lamang ang maaaring magkasya rito o isang tao kada metro kuwadrado.

Kahit doblehin ito o dalawang tao per square meter, ang magkakasya sa buong complex ay nasa 32,000 katao lamang.

“16k capacity times 2, how can u say that Paglaum can accommodate 70k in four-hectare size and divided pa by 2 for BPO industry. Philippine Arena capacity is 50k with 140 hectares, sino pinagloloko niyo?” anang isang netizen.

“Do the math much better than your placards,” sabi pa nito.

Isang netizen naman ang nagsabi na kung totoong umabot sa 70,000 ang dumalo sa rally ni Leni, ibig sabihin ay Paglaum Arena na ang world’s biggest indoor arena ngayon at hindi na ang Philippine Arena sa Bulacan na ang pinakamalaking “indoor arena in the world” na ang kaya lamang ay mapuno ng 55,000 katao.

Naungusan pa ng Paglaum ang Saitama Super Arena sa Japan na kayang mag-accommodate ng 36,500 katao o ang Baku Crystal Hall sa Azerbaijan na kasya lamang ay 27,000 katao.

Isang pulis na nakalatala sa crowd control sa Paglaum ang nagsabing imposibleng magkakasya ang 70,000 katao doon.

“Masyadong maliit po iyong lugar, ‘di kakayanin ang 70,000 na tao,” sabi pa nito.