Calendar
MMDA punong abala sa pagdalaw ng bisita
DINALA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kampanyang nagsusulong ang disiplina, kalinisan, kaayusan, at pagsunod sa batas trapiko sa Pasay noong Huwebes
Nakasama sina General Manager Nicolas Torre III, at Deputy Chairperson Frisco San Juan, Jr. sina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiaano at Congressman Tony Calixto nang ipakilala ang programang “Yes to Ayos: Disiplina” sa Timoteo Paez Elementary School sa Apelo Cruz St. sa naturang lungsod.
Naging tampok sa kaganapan ang suporta ng Boys and Girls Scout of the Philippines matapos ihayag ni Artes na mapapabilang sa programa ang mga estudyante upang sa pagkabata pa lamang ay matuto na ng disiplina na dadalhin nila sa kanilang paglaki.
“In fact magkakaroon na tayo ng tie up soon sa Department of Education (DepEd) at nagparating na tayo kay Secretary Sonny Angara.
A bata ang programa na aniya ay tiyak na tatanim sa kanilang isip. “Nakita naman natin, very active ang mga kabataan, nag-focus din sila sa activity,” dagdag pa ng alkalde.
