Calendar
Metro
MMDA sinuspinde number coding
Edd Reyes
Aug 5, 2026
223
Views
NAGLABAS ng abiso ang Metropoitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsususpinde sa Expanded Number Coding scheme Miyerkules ng hapon bunga ng patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat.
Ayon kay MMDA Public Information Office (PIO) head Director Sharon Gentalian, lahat ng mga sasakyang may plakang nagtatapos sa plakang 5 at 6 ay puwede ng lumabas ng lansangan bunga ng suspensiyon ng number coding ng mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Inabisuhan ni Director Gentalian ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho ngayong maulan at sundin ang batas trapiko para sa kaligtasan ng lahat sa daan.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

