Chavit Si Chavit Singson (gitna) kasama ang mga local leaders ng Ilocos Sur na sina Gov Jerry Singson (kanan), Vice Gov. Ryan Singson (kaliwa) at Mayor Eric Singson (kanan).

Modernisasyon ng transport vehicle isusulong ni Chavit

Christian Supnad Sep 21, 2024
65 Views

VIGAN CITY, Ilocos Sur–Isusulong ni dating governor at congressman Luis Chavit Singson ang modernization ng transport vehicles, digitalization ng pagbabayad at transport fare kaugnay ng modernization ng public transport.

Sa kanyang meeting sa mga local leaders dito, inanunsiyo ni Singson ang kanyang plano sa pagtakbo niya sa pagka-senador at sa partylist Ako Ilocano ng kanyang anak na si Congresswoman Richelle Singson sa 2025 elections.

Magugunita na dahil kay Singson, ang Ilocos Sur na dating pinakamahirap na lalawigan naging panglimang pinakamayamanna sa boung bansa.

Ito ang nagbunsod sa mga Ilocano leaders sa pangunguna ni Gov. Jerry Singson upang gawaran ng “Pammadayaw” (recognition) si Chavit dahil sa kanyang performance.

“For uplifting the once sleepy province of Ilocos Sur from its lamentable past as poorest province into now a top 10 richest province in the country,” ayon sa mga naggawad ng award.

Pinarangalan din siya sa tulong sa tatlong Virginia tobacco-producing provinces–Ilocos Norte, La Union at Pangasinan.

Ang batas na isinulong ni Singson ang tinatawag na RA 7171 o “an act to promote the development of the farmers in the Virginia tobacco-producing provinces-Ilocos Sur and Norte, Pangasinan, La Union and Abra.”

Ang batas na ito “provides these virginia-tobacco producing provinces billions of pesos from the Excise tax being collected by the government from tobacco cigarettes products.”