BBM

Modernong Air Force itutulak ni PBBM

238 Views

ITUTULAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng modernisasyon ng Philippine Air Force (PAF) upang maproteksyunan ang bansa.

“A more modern aerial and surveillance capability is all the more felt given the territorial disputes that we in the Philippines are involved in,” sabi ni Marcos na dumalo sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng PAF sa Pampanga.

Bukod sa pagbabantay sa West Philippine Sea at pagjaban sa insurhensiya, sinabi ni Marcos na makatutulong din ang modernong PAF sa panahon ng kalamidad.

“Transport aircraft, helicopter and the like are important facilities that only PAF can suitably and sufficiently provide especially during humanitarian assistance and disaster relief operation,” sabi ng Pangulo.