Donasyon

Motor galing sa Chinese spies iimbestigahan

Chona Yu Mar 3, 2025
19 Views

HINDI mag-aatubili ang Malakanyang na imbestigahan ang ulat na may ibinigay na donasyon na motorsiklo ang dalawang Chinese spies sa Philippine National Police (PNP) at sa ilang lokal na pamahalaan.

Sa eksklusibong ulat ng Reuters, nagbigay ang mga Chinese na sina Wang Yongyi, Wu Junren, Cai Shaohuang at Chen Haitao ng 10 motorsiklo sa PNP at Tarlac na nagkakahalaga ng tig-$2,500 o P144,800.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pinag aaralan na nila kung ang naging donasyon may magandang layunin.

Nilinaw ni Castro na hindi masama tumanggap ng donasyon depende lang sa motibo at sa layunin kung mayroong kapalit o kailangan kaya dapat itong imbestigahan.

Maging ang mga local government unit (LGU) na tumanggap aniya ng donasyon mula sa mga hinihinalang dayuhang espiya dapat na matingnan upang masigurong hindi nagagamit ang mga ito.

Sinabi ni Castro na noong panahon ng pandemya nabalitaang maraming natanggap na ambulansya at mga sasakyan ang Davao City mula sa China.

“Parang maraming naibigay ang China sa Davao City sa panahon po ni Mayor Sara at that time,” giit ni Castro.