BBM

MPC pinasalamatan ni PBBM

147 Views

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Malacañang Press Corps (MPC) sa kanilang suporta sa pagpapakalat ng impormasyon sa publiko.

Sa isang salu-salo noong Sabado ng gabi, kinilala ng Pangulo ang pagsusumikap ng mga mamamahayag upang maiparating sa publiko ang balita.

“So this is our version for all of you who have been so supportive… I know you have been working very, very hard to get the news out so that people know what’s going on, what we are doing here,” sabi ni Marcos.

Muli ring inulit ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsasama-sama at pagkain ng sabay-sabay ngayong kapaskuhan.

“It is always important to take… especially pagka ganito na ano, ganito na holiday lalo na sa Pinoy, ang Pasko, it’s always important to take a step back a little bit, recharge and think again about what we are doing and that’s what Christmas is to me,” ani Marcos.