Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Metro
MRT-3 may libreng sakay sa Rizal day
Peoples Taliba Editor
Dec 28, 2022
593
Views
MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa piling oras sa Rizal Day.
Ayon sa MRT-3 ang libreng sakay sa Biyernes, Disyembre 30 ay mula alas-7 hanggang 9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.
Ipagdiriwang sa nasabing araw ang ika-126 na anibersaryo ng pagkamartir ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal. Ang selebrasyon ay may temang, Rizal: Alaalang Iningatan, Yaman Ngayon ng Bayan.
“Ang LIBRENG SAKAY ay bilang pakikiisa ng MRT-3 sa paggunita ng Araw ni Rizal. Nawa ang kanyang sakripisyo ay manatiling buhay sa ating diwa at patuloy na magsilbing inspirasyon sa atin upang gumawa ng mabuti para sa kapwa at bayan,” ani MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr.
