Babae pumailalim sa truck matapos mabundol, buhay!
Jul 16, 2026
MMDA punong abala sa pagdalaw ng bisita
Jul 16, 2026
P1.49M shabu nakuha sa ‘tulak’ sa Batangas
Jul 16, 2026
Calendar
Motoring
MRT-3 nakapagtala ng bagong ridership record
Peoples Taliba Editor
Apr 6, 2022
657
Views
NAKAPAGTALA ng bagong ridership record ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) noong Abril 4.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3 umabot sa 315,283 pasahero ang naisakay ng MRT-3 na siyang pinakamarami mula noong Hunyo 1, 2020 kung kailan bumalik ang operasyon nito matapos itigil sa kasagsagan ng pandemya.
Sa kasalukuyan ay libre ang sakay sa MRT-3 bilang bahagi ng pagdiriwang sa pagtatapos ng rehabilitasyon nito.
Dalawang train set na mayroong apat na bagon ang tumatakbo sa linya bukod pa sa 18 train set na may tig-tatlong kotse.
Nasa 394 pasahero ang kayang isakay ng isang bagon o train car.

