BBM1

MSME kasali sa digitalization program ng gobyerno

193 Views

SINIGURO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kasali ang micro, small, and mediumE enterprises (MSMEs) sa digital program ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni Marcos na ang pagsama sa MSMEs ay magpapaliit sa digital divide ng bansa.

“We aim to empower and enable MSMEs to participate in the digital economy and thus significantly narrow the digital divide,” sabi ni Marcos sa kanyang opening remark sa Country Strategy Dialogue sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Iginiit ni Marcos ang kahalagahan ng digitalization sa pag-unlad ng bansa.

Binanggit din ng Pangulo ang CREATE law o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act na nakatutulong sa mga MSMEs dahil Pinapaliit nito ang corporate income tax rate na kanilang kailangang bayaran.

Sinabi naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na isa sa layunin ng kanyang pagdalo sa WEF ay upang makahanap ng mga ideya na makatutulong sa MSME ng bansa.