Calendar
Mungkahi sa DOJ: Palalimin imbestigasyon sa pagtakas ni Alice Guo
๐๐ ๐N๐จ๐ก๐๐๐๐๐ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐๐๐๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐๐ข๐) ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐ถ๐ป ๐ฝ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฏ๐ฒ๐๐๐ถ๐ด๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ธ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐๐ธ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐บ๐บ๐ถ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐) ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐๐๐น๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป, ๐ง๐ฎ๐ฟ๐น๐ฎ๐ฐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐๐๐ผ.
Ang ibinigay na suggestion ni Valeriano ay patungkol sa naging pahayag mismo ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na walang sasantuhin o ang tinatawag na “sacred cow” ang kasalukuyang imbestigasyon ng Justice Department kaugnay sa insidente ng pagtakas ni Guo.
Binigyang ang kaso ni Guo ay maituturing na napakalaking sampal para sa pamahalaan.
Iginiit ni Valeriano na dapat mas maging malalim pa ang pagsisiyasat ng DOJ para mahubaran ng maskara kung sino-sino sa mga tauhan ng BI ang maaaring nakipag-kutsabahan para makatakas si Guo na pinaniniwalaan nitong nagbibigay din ng proteksiyon sa iba pang Chinese nationals na kasamahan ng sinibak na Mayor.
Sinasang-ayunan din nito ang paniniwala na posibleng isang malaking sindikato ang nagpapagalaw sa mga tauhan ng BI dahil hindi naman aniya magkakaroon sila ng lakas ng loob kung ang mga kausap lamang nila ay mga “pipitsuging” grupo.
Ayon kay Valeriano, konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang pagpapatakas kay Mayor Guo matapos sumambulat ang kaniyang totoong pagkakakilanlan base sa ginawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
“Naniniwala ako gaya ng paniniwala ng ilan na isang malaking grupo ang kumikilos para makatakas ng Pilipinas si Mayor Guo. Ito ang dapat halukayin ng husto ng DOJ. Hindi small time ang grupong ito na maaaring konektado sa POGO,” wika ni Valeriano.
๐ง๐ผ ๐๐ผ๐ฑ ๐ฏ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐