Calendar
Natimbog ng mga operatiba ng MPD ang No.1 most wanted person district level na murder suspek sa Malabon City. Kuha ni JONJON C. REYES
Murder natiklo ng pulis sa lungga sa Malabon
KULUNGAN ang kinahantungan ng 26-anyos na obreror matapos arestuhin ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1,.dahil sa kasong pagpatay.
Ang suspek ay naaresto sa pinaglulunggaan nito sa Dagat Dagatan Avenue,Malabon City.
Nakilala ang suspek na si alyas ” Edmar”, binata, at naninirahan sa Barangay 105, Temporary Housing, sa Tondo, Manila
Base sa ulat ni Police Captain Jason Viola, hepe ng Warrant Section at Intelligence Section, bandang 8:30 ng gabi,nang makalawit ang suspek matapos inguso ng isang impormante ang pinagtataguan nito.
Napag-alaman din sa report na ang suspek ay kabilang sa talaan ng top 1 most wanted person ng District Level dahil sa kasong pagpatay
Dahil dito bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest ng suspek na inisyu ni Hon.Edgardo Cruz – Saplala,Presiding Judge ng Regional Trial Court ,Branch 33 ng Manila ,na may petsang April 11,2024.kaya ito naaresto.
Hindi pinayagang magpiyansa ang akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

