Calendar
Museo ng Kamara bukas na
PINANGUNAHAN nina House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, Congressional Spouses Foundation Inc. Chairperson Mary Ann Dy, Davao Oriental Rep. Maria Carmen “Maricar” Zamora at House Secretary-General Cheloy Garafil ang opening ceremony ng House of Representatives Legislative Museum sa 3rd floor ng Legislative, Archives and Museum building.
Itinatag ang museo para mapangalagaan ang mga mahahalagang dokumento at iba pang kagamitan na pamana sa kasaysayan ng Kongreso.
Sinabi ng House Speaker na ang Museo ng Kamara de Representantes ang magsisilbing alaala at makasaysayang talaan sa ilalim ng mga nagdaang lider ng Kongreso na sumasalamin sa pag-unlad ng pagbabalangkas ng mga batas.
Tampok din sa House Museum ang proseso sa paggawa ng batas at talaan ng mga nakalipas na House Speaker at ang kanilang mga naging achievements sa ilalim ng kanilang pamumuno.

