BBM

Muslim solon iminungkahi kay PBBM na magtatag ng screening comitee pra sa BTA

Mar Rodriguez Jul 8, 2022
212 Views

IMINUNGKAHI ng isang Mindanao congressman kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagtatatag ng isang “screening committee” para sa itatalagang 80 opisyal ng Bangsamoro Transition

Authority (BTA) sakaling gagamitin ni Marcos ang kaniyang “appointive power” sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sinabi ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na nais lamang nilang makatiyak naang mga susunod na mauupong opisyal ng BTA ay mayroong sapat at
angkop na kakayahan para magampanan nila ng maayos ang kanilang tungkulin para sa Bangsamoro.

Ipinaliwanag din ni Hataman na mahalaga din na mayroong sapat na kakayahan ang mga mapipiling opisyal ng BTA para matugunan naman nila
ang mga pangangailangan ng Bangsamoro.

Dahil dito, iminumungkahi ng kongresista kay Marcos na kailangang magkaroon o magtatag ng isang “screening committee” upang kilatising
mabuti ang sinimang opisyal na itatalaga o “ia-appoint” sa BTA.

“I suggest that this be done by a panel of equally competent personalities who can vet candidates for the BTA appointments independently, free from any political influence. We just have to make sure that those who will be appointed will really perform,” sabi ng mambabatas.

Sa ilalim ng BOL, kailangang magkaroon ng 80 miyembro ang BTA na itatalaga o”ia-appoint” ng Presidente na manunungkulan mula 2022
hanggang 2025.

“Under the BOL, the BTA has 80 members appointed by the President who earlier set to serve until 2022, the end of the transition period. However, the 18 th Congress enacted Republic Act No. 11593 last year, which extended the transition period for the BARMM government from 2022 to 2025 and postponed the 2022 BARMM elections,” ayon kay Hataman.