Huli

MWP na may patong-patong na kaso arestado sa Taytay

59 Views

ISANG most wanted person (MWP) na may maraming kaso ang nadakip ng kapulisan sa Yakal St., San Miguel Compound, Brgy. Muzon, Taytay,Rizal.

Ang tracker team ng Taytay Municipal Police Station (MPS) (lead unit) kasama ang PIU Rizal; RID PRO4A, PIT-Rizal RIU4A, PHPT Rizal, Camalig MPS, at Albay PIU PRO5 ay nagsagawa ng mga operasyon sa nabanggit na lugar pasado alas- 5:00 ng hapon laban sa nasabing akusado.

Ayon kay Rizal police director PCol. Felipe B. Maraggun si alyas Jowin, ang Rank 1 Provincial Level ng Albay) ay akusado sa forcible abduction with rape (tatlong bilang).

Walang inilaang piyansa sa inisyu ni Presiding Judge Jose Camacho Evan ng Branch 9, Legaspi City, Albay Regional Trial Court (RTC) noong December 27, 2023.

Walang inilaang piyansa sa kasong murder. Ngunit sa kasong attempted murder ay may nirekomendang piyansang P 120,000 si Presiding Judge Ignacio C Barcillo Jr., ng RTC Branch 13 ng Ligao.

Sa kaso ng carnapping ay nagrekomenda si Judge Ignacio Alodanas ng RTC Branch 2 ng Legaspi City nang piyansang P300,000.

Sa isa pang carnapping na kaso ay inirekomenta ni Judge Edgar L Armes ng RTC Branch 1 ng Legaspi City ang piyansang P 300,000.

Sa kasong qualified robbery ay inirekomenda ni Judge Solon B. Sison ng RTC Branch 1 ng Legaspi City ang P100,000 piyansa.

Sa kasong qualified robbery ay inirekomenda ni Judge Maria Theresa G. San Juan Loquillano ng RTC, Branch 10 ng Legaspi City ang piyansang P 100,000.