Calendar
MWP sa kasong gahasa naaresto sa Cainta
NADAKMA noong Lunes ng mga kapulisan ang isang Most Wanted Person (MWP) sa kasong gahasa sa Bgy. Sto Domingo, Cainta, Rizal, ayon sa report kay Batangas police director PCOL Jacinto R. Malinao, Jr.
Ang akusado na nakilalang si alyas Jayson Kenneth ay nakakalista bilang Most Wanted Person (MWP) sa Regional level sa LOI Manhunt Charlie.
Ang suspek ay dinakip alas-6:10 ng gabi sa Vista Verde Country Homes ng Tracker Team ng Cainta Municipal Police Station para sa qualified rape ng isang menor de edad.
Ang warrant ay inisyu ni Cainta, Rizal Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 143 Judge Maria Ella Cecilla Dimaandal Dumlao-Escalante.
Walang piyansangang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nakakulong ngayon ang akusado sa Cainta Custodial Facility habang ang kopya ng warrant of arrest ay ibabalik sa court of origin para sa pagpapalabas ng commitment order.