Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Counter

Nag-counterflow sa skyway ni-revoke lisensya forever

Jun I Legaspi Aug 10, 2025
429 Views

INIUTOS ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio Dizon ang habambuhay na pagkansela sa driver’s license ng driver na nahuling nag-counterflow sa Skyway noong Sabado.

Sa kuha ng CCTV bandang alas-3:32 ng madaling araw, kitang-kita ang pagsalubong ng driver sa mga sasakyan sa opposite lane ng Skyway.

“Hindi pu-pwede na suspendido lang ang lisensiya ng driver na ito dahil kitang-kita naman sa CCTV footage na inilagay niya sa peligro ang buhay ng mga driver ng kasalubong niyang sasakyan.

Ipinag-utos ko na i-revoke na nang tuluyan ang driver’s license ng pasaway na driver na ito nang hindi na pamarisan ang reckless driving niya,” ayon kay Secretary Dizon.

Hinihikayat din ni Sec. Dizon ang publiko na i-report ang mga ganitong insidente sa DOTr para magawan agad ng aksyon.