Martin Romualdez House Majority Leader Martin Romualdez at Leyte Rep. Kuha ni VER NOVENO

Nagkakaisang Kongreso makatutulong sa pag-abot ni BBM sa nagkakaisang PH

183 Views

PALALAKASIN at pagtitibayin ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang samahan ng mga miyembro ng Kamara de Representantes upang makatulong kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pag-isahin ng bansa.

Si Romualdez ang inaasahang magiging Speaker sa papasok an 19th Congress matapos nitong masungkit ang suporta ng mga malalaking partido politikal sa bansa kasama na ang PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Romualdez susuportahan ng Kamara ang legislative agenda ni Marcos na naglalayong pagandahin ang buhay ng mga Pilipino.

“Nagkakaisa po ang House of Representatives behind the incoming administration at ito para sa kalusugan at kabuhayan ng lahat ng Pilipino,” sabi ni Romualdez.

Sa pagkakasundo ng mga miyembro ng Kamara ay magiging mabilis umano ang pagpasa ng mga panukalang batas na kailan ng papasok na Marcos administration.

“Well we’re looking for a united and a very, very strong 19th Congress. In unity there is strength that they say that means we will have a political will to do what is right by the Filipino people. We have to address the needs of all Filipinos and we will be the House of the People and that unity is something that we can be very proud. When we are all happy working hard together, we can achieve everything that we need to do,” sabi pa ni Romualdez.