Tess

Nagkasibakan na sa DPWH

438 Views

KAPAG may usok, May apoy.

Yan ang drama na naganap sa DPWH na nagsimula sa tsismis tungkol sa isang dating Undersecretary ng DPWH, na diumano’y sobra na ang yaman dahil sa mga ma-anomalyang proyekto na nasasailam ng kanyang poder, partikular ang flood control program ng ilang rehiyon sa bansa.

Lumaganap ang tsismis hanggang lumaki ng lumaki at humantong sa pagsabog ng galit ng Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa opisyal na ito.

Nasimulan na ni Sec. Manny Bonoan ang pagsibak sa mga tiwaling opisyal ng DPWH.

Kamakailan, tinanggal ni Bonoan ang district engineer ng Batangas na na-entrap ng PNP sa tangkang “bribery” o panunuhol kay Congressman Leandro Leviste ng 1st district ng Batangas.

Sinabi ni Sec Bonoan, na isa lamang ito sa mga naumpisahan ng mga hakbang na pang “internal cleansing” sa DPWH na kanyang tutututukang personal. Sa kasalukuyan, gumugulong na ang mga imbestigasyon laban sa lahat ng district engineer sa buong bansa. Maasahan daw ang marami pang galawan sa organisasyon patungo sa isang “corrupt free and more efficient delivery of public works services” sa taong bayan.

Titignan din daw nila ang partipasyon ng ilang mga miyenbro ng “validation committee” ng bawat rehiyon na maaring kasabwat sa mga anomalya ng bawat rehiyon dahil hindi naman dapat mabayaran ang contractor kung walang certification ng nasabing committee na ang proyekto ay “completed” na. Sinisilip ng DPWH pati ang mga kuwestionableng proyekto na naumpisahan bago pa mag 2022.

Mabuting tao si Sec Bonoan at higit sa lahat magaling na inhinyero. Sa ilang dekadang pag serbisyo niya sa DPWH bilang isang regular na empleyado at opisyal, kahit minsan ay di nadawit ang pangalan niya sa ano mang iskandalo o anomalya.