Calendar
Nakakahiya mga ginawa ng mga ex-opisyal ng BOC
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.
Binabati natin sina: Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, , Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang nagmamalasakit sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya diyan sa Oman; Dolores Montero ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan,
God Bless sa inyong lahat!
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)
****
Pormal na ipinarating ni Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sa American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham), U.S. Embassy, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang tugon ng BOC’s sa “2025 U.S. State Department Investment Climate Statements report of the U.S Department of State, which identified bribery and corruption as barriers to investment in the Philippines.”
Sa kanyang tugon, binigyang-diin ni Commissioner Nepomuceno na ang kasalukuyang pamunuan ng BOC ay bago at nagpasimula na ng malawakang agenda ng reporma bago pa man lumabas ang nasabing ulat.
Binigyang-diin ni Nepomuceno ang mga repormang institusyonal at mga hakbang sa integridad sa BOC, sa kanyang unang tatlong buwan ng panunungkulan upang palakasin ang transparency, pananagutan, at propesyonalismo sa loob ng ahensya.
Ipinahayag din ni Nepomuceno ang layunin ng BOC na makipag-ugnayan sa AmCham at Embahada ng U.S. sa isang diyalogo upang higit na mabigyan pansin ang kanilang obserbasyon.
Binigyang-diin ni Commissioner Nepomuceno na ang mga repormang ipinapatupad niya ay nagpapakita na seryoso ang ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na alisin ang korapsyon at gawing propesyonal ang serbisyo ng gobyerno.
Tiniyak ni Commissioner Nepomuceno na tinutugunan ng BOC ang mga isyung iniharap sa U.S. State Department report sa pamamagitan ng sustained at systemic reforms, na binibigyang-diin ang pangako ng ahensya sa mabuting pamamahala at fair-trade practices.
Mabuti na lang at naitalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si BOC Commissioner Ariel Nepomuceno.
Nakakahiya ang mga ginawa ng nga nakaraang opisyal ng BOC.
Ngayong, may mga reklamo laban sa BIC, wala bang balak ang Office of the Ombudsman na imbestigahan ang mga dating opisyal ng BOC?
***
Mabuti na lang mabilis na kumikilos ang Deprtment of Justice at Office of the Ombudsman upang kahit papaano ay masampahan ng kaso ang mga nagsamantala sa kaban ng bayan.
Natuklasan ng Office of the Ombudsman ang “paper trail” at mga transaksyon sa bangko na nag-uugnay sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa maanomalyang mga proyekto sa pagkontrol sa baha.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, naghahanda na ngayon ang kanyang tanggapan para magsampa ng mga kaso sa Sandiganbayan, na kinasasangkutan ng mga “high ranking officials.”
Ayon kay Remulla, nakausap niya na ang Sandiganbayan.
Naghahanda na sila para sa tuluy-tuloy na paglilitis dahil nakatakdang magsampa ng maraming kaso na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal.
Natuklasan ng Ombudsman ang paper trail, mga transaksyon sa bangko kaugnay sa flood control probe.
“Nakakuha na kami ng mga mahalagang data.”
“Ito ay malinaw na nagpapakita ng pera na inililipat mula sa isang account patungo sa isa pa, sa pamamagitan ng bank-to-bank transactions, kaya mayroon tayong matibay na ebidensya,” dagdag niya.
Ayon pa kay Remulla, humingi na din ang kanyang tanggapan ng tulong sa Anti-Money Laundering Council sa paghahanda at pagsasampa ng mga kaso.
Sa briefing, natanggap ni Remulla ang mga natuklasan ng Department of Justice kasunod ng imbestigasyon nito sa umano’y maanomalyang flood control projects.
Sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na nai-turn over na nila ang limang kaso na sumasaklaw sa mga napaulat na ghost flood control projects sa Bulacan.
Kabilang sa mga kasong ito ang mga opisyal mula sa tanggapan ng distrito ng Bulacan at mga kontratista na maaaring nakagawa ng mga paglabag sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code (malversation), Article 171 (falsification by public officers), Article 183 (perjury), at Section 3(e) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).
Dapat talaga agad ng isampa ang mga kaso sa lahat ng sangkot sa maanomalyang flood control project para makasigurong maparusahan at mabawi sa mga ang pera ng taumbayan.

