Lumabas uli pagka-pintasera laitera ni ante
Nov 1, 2026
HANDA SA UNDAS
Nov 1, 2026
Calendar
Source: BJMP file photo
Metro
Nakapatay noong ’93, tiklo ngayong ’25
Melnie Ragasa Jimena
Feb 7, 2025
532
Views
NASAKOTE na ng mga pulis ang 52-anyos na obrero na suspek sa kasong murder matapos magtago ng 32 taon.
Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Pasong Putik Proper Police Station 16 chief P/Lt. Col. Francis Siriban na nakapatay noong 1993 sa Sta. Ana, Maynila ang suspek na natiklo.
Matapos makapatay, nagtago ang suspek sa Biliran at pagbalik sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City iba na ang pangalan.
Nang makarating sa pulisya na nasa lungsod ang akusado, agad inaresto ang suspek dahil may warrant of arrest na ito noong 1998 pa.
“Allegedly, kaalitan po niya ang biktima na naging sanhi ng pamamaril niya sa ating biktima. Lumabas po ‘yung warrant year 1998,” ayon kay Siriban.
ANICETE: KULUNGAN MALUWAG PA PARA SA MGA KAWATAN
Nov 1, 2026
Brgy lider sumama sa cleanup drive sa Malate
Nov 1, 2026
KELOT NANAKIT NG ASO SA TAGUIG, NAKAPIIT
Nov 1, 2026
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026

