Calendar
Nakararaming Pinoy pabor sa impeachment vs VP Sara
PABOR ang nakararaming Pilipino sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na ginawa noong Disyembre 12 hanggang 18, 2024, 41 porsyento ang nagsabi na sila ay pabor sa impeachment laban sa Bise Presidente samantalang 19 porsyento naman ang undecided.
Ang survey ay mayroong 2,160 respondents at margin of error na ±2 porsyento.
Pinakamarami ang sumusuporta sa impeachment laban kay Duterte sa Luzon (hindi kasama ang Metro Manila) na umabot sa 50 porsyento. Sa Metro Manila ang pabor sa naturang hakbang ay 45 porsyento.
Sa Visayas ay 40 porsyento rin ang pabor sa impeachment laban sa Ikalawang Pangulo samantalang sa Mindanao, na kilalang balwarte ni Duterte ay mayroong 22 porsyento na pabor.
Ayon din sa resulta ng survey 50 porsyento ng Class ABC ang pabor sa impeachment.
Sa tanong kung anong alegasyon ang maaaring maging basehan upang ma-impeach si Duterte, 46 porsyento ang sumagot na ang iregularidad sa paggamit ng confidential fund ng Office of the Vice President at Department of Education.
Nasa 36 porsyento naman ang sumagot na ang pagtanggi nito na sagutin ang imbestigasyon kaugnay ng paggamit ng confidential funds.
Ang mga alegasyon kaugnay ng ill-gotten wealth kaya hindi tugma ang kanyang yaman sa kanyang ligal na kinita ay nakakuha naman ng 25 porsyento samantalang 24 porsyento naman ang nagsabi na ang pagbabanta nito kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos.