Vic Reyes

Napupuno rin ang salop ng kabaitan ni PBBM

Vic Reyes May 4, 2025
19 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.

Mabuhay kayong lahat!

Binabati naman natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Roana San Jose, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki

Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata. Ang laging nakaalalay sa mga Filipino sa Japan.

Binabati rin natin sina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Montero at Elizabeth Gomez ng Saudi Arabia.

Nawa’y patuloy kayong patnubayan ng Panginoong Diyos!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)

***

Dapat simulan kaagad ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte pagbukas ng Kongreso sa Hunyo.

Kailangang sagutin ni VP Duterte ang mga bintang ng mga kongresista.

Hindi na dumaan sa komite ng House of Representatives ang inihaing impeachment case laban kay VP Sarah.

Dumiretso sa Senado Ang impeachment, dahil sa mataas na bilang ng mga kongresistang nag-endorso sa kaso.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang mga miyembro ng Mataas na Kapulungan ang a-aktong senator-judges.

Kung ma-convict si VP Sara sa Senado ay matatanggal siya sa puwesto.

Ang masakit, perpetually banned siyang humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

Kaya marami ang naniniwala na bago pa matapos ang impeachment trial ay magre-resign si VP Sara.

Ito ay upang makatakbo siya sa pagka-Pangulo ng Pilipinas sa 2028.

Abangan….

****

Natatawa na lang tayo sa ginagawang prayer-rally ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rody Duterte,

Pakikinggan naman kaya ng Poong Maykapal ang kanilang mga panalangin?

Ang mabigat kasi, minsan nang tinawag ni Duterte na “stupid God” ang Panginoong Diyos.

Maliwanag itong paglapastangan sa Diyos ng mga Kristiyano.

Kung sabagay sinasabi daw ngayon ni Duterte na ipinapasa-Diyos na daw niya ang kanyang kapalaran.

Hindi masama ang humingi ng tawad sa Panginoong Diyos.

Ang problema, nagsisisi na ba si Digong sa kanyang mga nagawang kasalanan at pagkakamali?

Minsan na rin niyang minura si yumaong Pope Francis nang pumunta sa Pilipinas.

Nagalit si Digong nang ma-trapik siya malapit sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pagdating ng Santo Papa sa bansa.

Ang lupit ‘di ba?

***

Lahat ng administration-backed senatorial candidates ay dapat sumuporta sa mga programa at proyekto ni Pangulong Marcos.

Baka naman pagkatapos ng eleksyon ay mag-iba sila ng kulay.

Bilang Presidente l, siya ang “most powerful man in the country.”

Hindi siya weak President na madalas sabihin noon ni Digong.

Nasaan na ba ngayon si Digong?l

Mabait si PBBM pero lahat ay may hangganan.

Napupuno rin ang salop ng kanyang kabaitan.