sarah Sinasagot ni vice presidential candidate Sara Duterte ang mga katanungan ni veteran People’s Tonight reporter at columnist Ryan Ponce Pacpaco at ibang miyembro ng national media sa isang ambush interview. Kuha ni VER NOVENO

Narating ng Davao City pwedeng magawa sa PH—Mayor Sara

353 Views

POSIBLE umanong magawa sa buong Pilipinas ang mga nagawa ni vice presidential candidate Sara Duterte sa Davao City.

Ayon kay Duterte ng manungkulan siya noong 2016 bilang mayor ng Davao City ay mayroon mahigit P1 bilyong utang ang lungsod.

Sa kanyang pagbaba sa Hunyo ay wala umano siyang iiwanang utang. At nagawa umano ito ng lungsod habang tuloy-tuloy ang implementasyon ng mga proyekto at programa para sa kapakinabangan ng kanilang mga constituent.

“Nagagawa po yan ng mga taga-Davao, kaya po yan ng Pilipinas. Dahan-dahan po, tuloy-tuloy na kaunlaran para sa ating bansa,” sabi ni Duterte.

Ang Davao City ay ika-apat din sa pinaka-most competitive city sa bansa at ikawalong pinakamayamang lungsod sa bansa.

Itinutulak ni Duterte ang pagkakaisa ng lahat upang umunlad ang bansa at ang mapayapang pamumuhay ng mga Pilipino.